TSINA, Ang Bansang Buwaboy

Malinaw ang nakasulat, "Ang mamatay ng dahil sa'yo". Kaya ang hinde naka-handang ibigay ang lahat para sa isang bagay, ay walang karapatang manatili, manirahan, at ariin ito.
 

Dapat ang handang mamatay ay handa ring pumatay;
Ngunit hinde lahat ay may kakayahang pumatay kahit gustuhin man nila; At kadalasan, ang mga kapuspalad ay walang karapatang mamili kung kelan sila dapat ay nasa puntong handa na silang mamatay; Minsan pa nga, sila ay pinapatay kahit wala silang balak na pumuti ng buhay.
 


Ang Dambuhalang Buwaboy na China ay handang pumatay,
at sila sa ngayon ay nasa kaaya-ayang kalagayan
na hinde nila kailangang maging handang mamatay para gawin ito.

Ang ungas na China ay isang duwag na ang kaya lang hamunin
ay ang mga bansang walang kakayahang lumaban
tulad ng mga pulitico, na ang kaya lang lokohin
ay ang mga mahihina at walang kakayahang humingi 

nang walang pasubaling katarungan.

Sa ngayon ay wala tayong kakayahang tunay na lumaban;
Sa ngayon ay hinde natin kayang lumaban at pumatay;

Sa ngayon ang kaya lang natin ay lumaban at mamatay;
Kaya hinde natin kailangang mamatay nang dahil lang sa laban,
dahil lang sa kailangan nating pumatay.


May oras para pumatay at mamatay;
May oras para tumakbo o lumaban;
Sa ngayon ang tanging oras na hawak natin 
ay ang oras ng kahinahunan at paghihintay.



Ang hinahon ay ina ng karunungan, ito ay hinde karuwagan,
ito ay mabangis pa sa bulag at huwad na tapang.



Ang oras ay umiikot at; ang gagong Tsina
dahil sa kanyang pagiging GANID at GAHAMAN,
ay humahabi ng sariling kapahamakan;
Darating ang araw na ang masiba
at patabaing baboy na bansang ito ay maghihingalo;

At sa araw na 'yon hinde na natin kailangan 
ng ano mang armas para siya ay tuluyang katayin.

 



Patuloy tayong umastang lalaban upang iparamdam
na tayo ay kaaway ng kagaguhan at kahangalan;
Ngunit h'wag hanggang doon sa kailangan nating mamatay,
sapagkat wala pa tayong kakayahang pumatay;
At sana, pagdating ng araw na handa na at kaya na nating pumatay
ang galit sa ating mga puso ay tuluyan ng namatay.



No comments:

Post a Comment